Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. How Health Care Providers Can Help Current and Former Patients Who Have Used Opioids Stay Employed

How Health Care Providers Can Help Current and Former Patients Who Have Used Opioids Stay Employed

Paano Makakatulong ang Mga Tagapagbigay ng Pangangalagang Pangkalusugan sa Kasalukuyan at Dating mga Pasyente na Gumamit ng Opioids na Manatiling May Trabaho

Ang iyong mga pasyente na may kasaysayan sa paggamit o maling paggamit ng opioid ay maaaring may karapatan, sa ilalim ng Americans with Disabilities Act (ADA), na makakuha ng mga makatwirang akomodasyon na makakatulong sa kanila na manatiling may trabaho at nagpapagamot.[1]  Minsan ay maaaring kang hilingan na magbigay ng limitadong dokumentasyong medikal upang matulungan ang iyong pasyente na makakuha ng makatwirang akomodasyon. Kahit na ang isang pasyenteng gumagamit ng mga niresetang opioid o may kasaysayan ng pagkalulong sa opioid ay hindi nangangailangan ng isang akomodasyon upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho, ang kanyang employer ay maaari pa ring humingi sa iyo ng medikal na dokumentasyon sa ilalim ng ADA upang magpasya kung ang isang tao ay maaaring ligtas at epektibong magtrabaho sa isang partikular na trabaho.

Ang fact sheet na ito ay nagbibigay ng maikling paliwanag sa tungkulin ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa ilalim ng ADA kapag ang isang pasyente na gumagamit ng opioid ay nangangailangan ng makatwirang akomodasyon at kapag may mga tanong tungkol sa kakayahan ng isang pasyente na maisagawa ang trabaho nang ligtas. Ang impormasyong ito ay hindi bagong patakaran; sa halip, inilalapat ng dokumentong ito ang mga prinsipyong nabuo na sa mga probisyon ng batas at regulasyon ng ADA pati na rin ang pati na rin ang naunang ibinigay na gabay. Ang mga nilalaman ng lathalang ito ay walang puwersa at epekto ng batas at ay hindi nilalayong igapos ang publiko sa anumang paraan. Ang lathalang ito ay inilaan lamang upang magbigay ng kalinawan sa publiko hinggil sa mga kasalukuyang kinakailangan sa ilalim ng batas.

Impormasyong Nagpapaliwanag Tungkol sa Makatwirang Akomodasyon

1. Ano ang makatwirang akomodasyon?

Ang makatwirang akomodasyon ay ilang uri ng pagbabago sa paraan ng karaniwang ginagawa sa trabaho, gaya ng binagong pahinga o iskedyul ng trabaho (hal., pag-iiskedyul ng trabaho tuwing may gamutan), pagbabago sa oras ng trabaho, o pansamantalang paglilipat sa ibang posisyon. Ito ay mga halimbawa lamang; ang mga empleyado ay malayang makahiling, at ang mga employer ay malayang makamungkahi ng iba pang mga modipikasyon o pagbabago. Gayunpaman, hindi kailanman kailangang ibaba ng isang employer ang mga pamantayan sa produksyon o pagganap, alisin ang mga mahahalagang tungkulin (pangunahing tungkulin) ng isang trabaho, bayaran ang trabahong hindi nagampanan, o gawing dahilan ang paggamit ng ilegal na droga sa trabaho bilang isang makatwirang akomodasyon.[2]

Ang mga employer ay dapat magbigay ng mga makatwirang akomodasyon sa mga aplikante ng trabaho at mga empleyado na nangangailangan ng mga ito dahil sa isang  kwalipikadong kondisyong medikal bilang isang "kapansanan" sa ilalim ng ADA, maliban na lang kung ang pagbibigay nito ay magdudulot ng matinding kahirapan o gastos.[3]

2. Makakakuha ba ng makatwirang akomodasyon ang isang pasyente na gumagamit ng mga niresetang opioid upang gamutin ang pananakit mula sa isang kondisyong medikal?

Kung ang pananakit ng pasyente ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutang opioid, ang umiiral na  kondisyong medikal ay malamang na kwalipikado bilang isang kapansanang ADA. Ang kahulugan ng ADA ng "kapansanan" ay iba sa ginamit para sa mga benepisyo sa kapansanan ng Social Security —ang pagkakaroon ng kapansanang ADA ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay hindi maaring magtrabaho. Ang mga kundisyon tulad ng kanser, muscular dystrophy, at multiple sclerosis ay dapat na madaling maging makwalipikado, at ang iba pang mga kondisyon ay maaari ring kwalipikado, tulad ng kondisyong orthopedic na nagdudulot ng pananakit kung saan ang isang tao ay nireresetahan ng opioids.[4]

3. Makakakuha ba ng makatwirang akomodasyon ang isang pasyenteng lulong sa opioid?

Ang opioid use disorder (OUD) ay isang nasusuring kondisyong medikal na maaring kwalipikado bilang isang kapansanang ADA.

May eksepsyon sa mga taong gumagamit ng heroin o opioid na gamot nang walang wastong reseta— hindi pinipigilan ng ADA ang mga employer na tanggalin ang mga empleyado, tanggihan sa trabaho ang mga aplikante, o patawan ng mga negatibong aksyon sa trabaho batay sa kasalukuyang paggamit ng mga illegal na droga.

4. Makakakuha ba ng makatwirang akomodasyon ang isang pasyente na hindi na lulong sa mga opioid, ngunit nangangailangan ng gamutan upang maiwasan ang panunumbalik nito sa dati?

Maaaring makakuha ng isang makatwirang akomodasyon ang isang pasyenteng may kasaysayan ng pagkalulong sa opioid kung nangangailangan ito ng isa dahil sa nakaraang pagkalulong.  Ang iyong pasyente ay maaaring makakuha ng pagbabago ng iskedyul, halimbawa, upang makadalo sa mga pagpupulong ng mga grupong nagsusuporta o mga sesyon ng terapiya na makakatulong na maiwasan ang panunumbalik sa pagkalulong.

5. Makakakuha ba ang isang pasyente ng mga makatwirang akomodasyon para sa isang kondisyong medikal na nauugnay sa pagkalulong sa opioid?

Oo, kung ang nauugnay na kondisyon ay isang kapansanang ADA. Ang mga karaniwang comorbid na kondisyon tulad ng major depression at post-traumatic stress disorder (PTSD) ay mga kapansanan, at ang iba pang mga kondisyon ay maaaring maging kwalipikado rin. Para sa karagdagang impormasyon sa mga kondisyon ng kalusugang pangkaisipan at ang ADA, tingnan ang Depresyon, PTSD, at Iba Pang mga Kondisyon ng Kalusugang Pangkaisipan sa Lugar ng Trabaho: Ang iyong mga Legal na Karapatan sa https://www.eeoc.gov/laws/guidance/depression-ptsd-other-mental-health-conditions-workplace-your-legal-rights at Ang Tungkulin ng Tagapagbigay ng Pangangalaga sa  Kalusugang Pangkaisipan sa Kahilingan ng Kliyente Para sa isang Makatwirang Akomodasyon sa Trabaho sa  https://www.eeoc.gov/laws/guidance/mental-health-providers-role-clients-request-reasonable-accommodation-work.

6. Paano kung ang aking pasyente ay hindi kayang makabalik sa trabaho ngayon, kahit na may makatwirang akomodasyon?

Kung hindi magagawa ng iyong pasyente ang lahat ng mahahalagang tungkulin ng trabaho nang ligtas at naaayon sa mga pamantayan na kinakailangan para sa trabaho, at wala siyang magagamit na maybayad na pagliban, ang walang bayad na pagliban ay isang makatwirang akomodasyon na maaring makatulong sa kanya na muling makamit ang kakayahang magawa ang mga mahahalagang tungkulin sa trabaho. Ang iyong pasyente ay maaari ring maging kuwalipikado ng pagliban sa ilalim ng Family and Medical Leave Act (FMLA). Ang United States Department of Labor Wage and Hour Division ay nagpapatupad ng FMLA. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa batas na ito ay matatagpuan sa www.dol.gov/whd/fmla.

Kung ang iyong pasyente ay permanenteng hindi magawa ang kanyang regular na trabaho, ang paglipat sa ibang trabaho ay maaaring isang makatwirang akomodasyon kung may bakante.[5]

Pagtulong sa Iyong Mga Pasyente na Makahanap ng mga Makatwirang Akomodasyon

7.  Paano kung kailangan ng aking pasyente na matutunanan ang tungkol sa ADA at makatwirang akomodasyon?

Dahil maaaring hindi alam ng ilang pasyente ang tungkol sa ADA, maaaring makatulong na i-refer sila sa mga mapagkukunan ng EEOC, tulad ng Paggamit ng Codeine, Oxycodone, at Iba Pang mga Opioid: Ang Iyong Mga Karapatan sa Trabaho, ay mahahanap sa https://www.eeoc.gov/laws/guidance/use-codeine-oxycodone-and-other-opioids-information-employees.

8. Paano ko matutulungan ang aking pasyente na makakuha ng makatwirang akomodasyon?

Kung ang iyong pasyente ay nagpasyang humingi ng isang makatwirang akomodasyon, maaaring kailanganin ng employer ang medikal na dokumentasyon na makakatulong sa pagpapasya kung ang pasyente ay may kapansanang ADA at nangangailangan ng makatwirang akomodasyon.

Maaari mong ibigay ang dokumentasyong iyon. Hindi kailangang malawakan, at hindi mo kailangang maging isang medikal na doktor upang maibigay ito. Kinakailangang panatilihin ng mga employer na kumpidensyal ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa kahilingan sa makatwirang akomodasyon.[6]

Ang dokumentasyon ay maaaring masusuportahan ang kahilingan ng iyong pasyente kung, gamit ang payak na pananalita, ipinapaliwanag nito ang sumusunod:

  • Ang iyong mga propesyonal na kwalipikasyon at ang uri at haba ng iyong relasyon sa pasyente. Ang isang maikling pahayag ay sapat na.
  • Ang uri ng medikal na kondisyon ng pasyente.
    • Kung ang pasyente ay nangangailangan ng isang akomodasyon dahil sa may umiiral na kondisyong medikal, o dahil sa epekto ng isang opioid na gamot, dapat matukoy mo ang umiiral na kondisyon.
    • Kung nangangailangan ng akomodasyon dahil sa OUD, sapat nang sabihin na ang pasyente ay na-diagnosed ng OUD.
    • Kung ang pasyente ay nangangailangan ng isang akomodasyon dahil sa isang komorbid na kondisyon, dapat matukoy mo ang komorbid na kondisyon.
    • Kung hihilingin sa iyo ng pasyente mo na huwag isiwalat ang kanyang mga problema sa trabaho ay dahil sa paggamit ng opioid o mayroon siyang umiiral na kondisyon na may kinalaman sa paggamit ng opioid, maaaring makuntento na lamang ang employer sa isang mas pangkalahatang paglalarawan ng katayuang medikal ng indibidwal (hal., na siya ay "ginagamot sa pagkalulong" o may kondisyon sa kalusugang pangkaisipan).
  • Mga limitasyon sa pagganap ng pasyente sa kawalan ng paggagamot. Ilarawan ang lawak kung saan ang kondisyon ay maaaring maglilimita sa isang "pangunahing aktibidad sa buhay" tulad ng paglalakad, pagtulog, pagbubuhat, pag-concentrate, o pag-aalaga ng sarili, sa kawalan ng paggagamot. Kung ang mga epekto sa pagganap ay pabalik-balik, ilarawan kung ano ang mga ito kapag pinakamalala ang sintomas nito. Kailangan mo lamang makabuo ng malaking limitasyon sa isang pangunahing aktibidad sa buhay.
  • Ang pangangailangan sa isang makatwirang akomodasyon. Ipaliwanag kung paano ang kalagayang medikal ng pasyente ay nangangailangan ng pagbabago sa trabaho.
    • Halimbawa, ipaliwanag kung bakit ang iyong pasyente ay maaaring mangailangan ng pagbabago ng iskedyul (hal., upang makadalo sa isang medikal na apointment sa araw ng trabaho) o walang bayad na pagliban sa trabaho (hal., upang makatanggap ng gamutan o pagpapagaling).
    • Kung ang iyong pasyente ay nangangailangan ng akomodasyon upang maisagawa ang isang partikular na tungkulin sa trabaho, ipaliwanag kung papaano ang mga sintomas ng pasyente — bilang ano ito talaga, nang may gamutan — ginagawang mas mahirap ang pagsasagawa ng tungkulin. Maaari mong isama ang mga epekto ng gamot ng pasyente kung mas pinapahirap nito ang trabaho. Kung kinakailangan, tanungin ang iyong pasyente para sa isang paglalarawan ng kanyang mga tungkulin sa trabaho. Limitahan ang inyong talakayan sa mga partikular na problema sa trabahong iyun na maaaring makatulong ang isang makatwirang akomodasyon.
  • Iminungkahing (mga) Akomodasyon. Kung may nalalaman kang isang epektibong akomodasyon, maaari itong imungkahi. Huwag labis na banggitin ang pangangailangan sa isang partikular na akomodasyon, sakaling kailanganin ang isang alternatibo.

Hindi binabago ng ADA ang iyong mga etikal o legal na obligasyon bilang isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Dapat kang humiling ng makatwirang akomodasyon sa ngalan ng isang indibidwal o bigyan ang employer ng impormasyong medikal tungkol sa pasyente, kung hihilingin lamang sa iyo ng indibidwal na gawin ito at pinahintulutan ang pagpapalabas. Muli, ang mga employer ay kinakailangang panatilihing kumpidensyal ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa kahilingang makatwirang akomodasyon.

9. Paano gagamitin ang dokumentasyong medikal?

Ang employer, marahil sa konsultasyon sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, gagamitin ang impormasyong ito para masuri kung ipagkakaloob ang makatwirang akomodasyon, at kung mabibigyan, alin ang ibibigay. Ang taong nagsusuri ng kahilingan sa akomodasyon ay maaari ring makipag-ugnayan sa iyo para humingi ng paglilinaw sa iyong isinulat, o bigyan ka ng karagdagang impormasyon na dapat isaalang-alang.  Halimbawa, kung ang hiniling na akomodasyon ay magiging napakahirap o magastos na maibigay, maaari niyang tanungin kung magiging epektibo ba ang ibang akomodasyon.

Ang impormasyong ibinibigay mo ay hindi legal na magagamit upang bigyang-katwiran ang isang negatibong aksyon sa trabaho maliban kung ipinapakita nito na ang iyong pasyente ay hindi kwalipikado sa posisyon sa ilalim ng batas pederal, ang ilegal na paggamit ng droga,  o walang kakayahan na gampanan ang mahahalagang tungkulin sa trabaho nang ligtas at may kakayahan kahit na may makatwirang akomodasyon.[7]

Mga Alalahanin sa Kaligtasan

10. Paano kung tanungin ng employer kung ang aking pasyente ay magdudulot ng panganib sa kaligtasan?

Para sa maliit na bilang ng mga trabaho, inaatasan ng batas pederal ang mga employer na i-verify kung nakakatugon ang kanilang mga empleyado sa ilang partikular na mga pamantayang medikal sa kadahilanang pangkaligtasan. Kung tatanungin ng isang employer kung nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ang iyong pasyente, malamang na hihilingin sa iyo nito ang medikal na impormasyon na makakatulong sa pagpasya kung ang kapansanan ng pasyente ay lumilikha ng panganib at sapat na upang bigyang-katwiran ang pagsususpinde o iba pang masamang aksyong maaaring ipatupad sa ilalim ng batas. Ang mga alalahanin sa kaligtasan ay mabibigyang-katwiran lamang ang pagsususpinde ng mga tungkulin o iba pang masamang aksyong maaaring ipatupad kung ang panganib ay tumaas sa antas ng "direktang pagbabanta, "na nangangahulugang isang malaking panganib na makakapinsala sa sarili o sa iba na hindi maaaring alisin o bawasan sa isang katanggap-tanggap na antas na may makatwirang akomodasyon.[8]

11. Sapat ba na bigyan ang employer ng mga paghihigpit, tulad ng "walang operasyong mabibigat na makinarya"?

Hindi. Sa pagpapasya kung ang isang empleyado ay nagdudulot ng “direktang pagbabanta,” ang mga employer ay mangangailangan ng impormasyon na makakatulong sa kanila na masuri ang antas ng panganib na dulot ng isang kapansanan, isinasaalang-alang ang probabilidad na magkaroon ng pinsala, ang napipintong posibleng pinsala, ang panahong itinatagal ng panganib, at ang tindi ng posibleng pinsala.[9]  

12. Anong uri ng impormasyon ang dapat na maibigay ko sa employer upang makagawa ng isang wastong pagpapasiya sa kaligtasan?

Dapat mong mailarawan ang mga kaugnay na kaganapang medikal o mga pag-uugali na maaaring mangyari sa trabaho (hal., pagkawala ng malay o pagkahilo), at sabihin ang probobilidad ng kanilang paglitaw. (Kung mahirap kalkulahin ang probobilidad, maaari pa ring maging kapaki-pakinabang ang pagbibigay ng mga impormal na pagtatantya, katulad halimbawa ng pagsasabi na ang pagkawala ng malay sa trabaho ay “mataas ang antas na hindi mangyayari o “very unlikely" o “ maaaring mangyari”o “quite likely” sa susunod na dalawang buwan.) Ang mga pagtatantya ay dapat nakabatay sa pinakabagong impormasyong medikal, at dapat isaalang-alang ang proseso ng gamutan at kasaysayang medikal ng indibidwal na sinusuri. Dapat mo ring ilarawan ang anumang mga pag-iingat na makakabawas sa tsansang mangyayari ang kaganapang medikal o pag-uugali ay mangyari.

Kung saan may kaugnayan, isaalang-alang at tasahin ang anumang mga panganib na maaaring ipakita ng kondisyon ng iyong pasyente dahil sa uri ng trabaho na ginagawa ng iyong pasyente araw-araw; ang uri ng kagamitan na kanyang ginagamit; ang kanyang access sa mga mapaminsalang gamit o substance; anumang mga pananggalang na nakalagay sa lugar ng trabaho; ang uri ng pinsala o iba pang pinsala na maaring magresulta sa kung ang isa sa mga natukoy na kaganapang medikal ay mangyayari; at ang posibilidad na magkaroon ng pinsala o iba pang kapinsalaan na maaring mangyari dulot ng kaganapan o pag-uugali. Kung wala kang ganitong impormasyon ngunit sa tingin mo ay kailangan mo ito para makagawa ng eksaktong pagtatasa, dapat mong hilingin ito sa employer.

Karagdagang Impormasyon

Para sa pangkalahatang impormasyon, bisitahin ang website ng Equal Employment Opportunity (EEO)  (https://www.eeoc.gov), o tumawag sa EEOC sa 1-800-669-4000 (boses),1-800-669-6820 (TTY), o sa aming sign language access line sa 1-844-234-5122 (ASL Video Phone). 


[1] 42 U.S.C. § 12112, et seq.; 29 C.F.R. §§ 1630.1 – 1630.16. Ang iba't ibang aspeto ng walang diskriminasyon, makatwirang akomodasyon, at iba pang mga proteksyon sa ilalim ng Titulo I ng ADA ay tinutugunan sa iba't ibang seksyon ng batas at mga regulasyon. Tingnan, hal., 29 C.F.R. § 1630.2(g) –(k) (kasalukuyang kapansanan at rekord ng nakaraang kapansanan) at 1630.9 (makatwirang akomodasyon sa pangkalahatan); tingnan din ang 42 U.S.C. § 12114 (mga pagbubukod na may kaugnayan sa kasalukuyang ilegal na paggamit ng mga gamot).

 [2] 42 U.S.C. § 12114, 12210; 29 C.F.R. § 1630.3, 1630.16(b) at (c).

[3] 42 U.S.C. § § 12111(10), 12112(b)(5); 29 C.F.R. §§ 1630.2(o) at (p), at 1630.9.

[4] 42 U.S.C. § 12102; 29 C.F.R. § 1630.2(g)-(k).

[5] 42 U.S.C. §§ 12111(8), 12111(9)(B); 29 C.F.R. §§ 1630.2(m)-(p).

[6] 42 U.S.C. § 12112(d); 29 C.F.R. § 1630.14(d)(4).

[7] 42 U.S.C § 12203; 29 C.F.R § 1630.12.

[8] 42 U.S.C. § 12113(b); 29 C.F.R. § 1630.2(r).

[9] Id.