Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Diskriminasyon Batay sa Kasarian

Diskriminasyon Batay sa Kasarian

Ang diskriminasyon batay sa kasarian ay nauugnay sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao (aplikante o empleyado) dahil sa kasarian ng taong iyon, kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis ng taong iyon.

Ang diskriminasyon laban sa indibidwal dahil sa pagkakakilanlan ng kasarian, kabilang ang pagiging transgender o dahil sa seksuwal na oryentasyon ay diskriminasyon dahil sa kasarian na lumalabag sa Title VII.  Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga claim sa diskriminasyon batay sa kasarian na nauugnay sa LGBTQ+, tingnan ang https://www.eeoc.gov/laws/guidance/what-you-should-know-eeoc-and-protections-lgbt-workers.

Diskriminasyon Batay sa Kasarian at Mga Sitwasyon sa Trabaho

Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon pagdating sa anumang aspeto ng pagtatrabaho, kabilang ang pag-hire, pagsisisante, pagpapasahod, mga pagtatalaga ng trabaho, mga promotion, pagtatanggal ng empleyado, pagsasanay, mga karagdagang benepisyo ng empleyado, at anupamang tuntunin o kundisyon ng trabaho.

Panghaharas na Nauugnay sa Diskriminasyon Batay sa Kasarian

Ilegal na mangharas ng tao dahil sa kasarian ng taong iyon, kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis ng taong iyon. Maaaring kabilang sa panghaharas ang "seksuwal na panghaharas" gaya ng mga hindi kanais-nais na seksuwal na pagkilos, mga kahilingan para sa seksuwal na pabor, at iba pang seksuwal na pang-aabuso na ginagawa nang pasalita o sa pisikal na paraan. Gayunpaman, hIndi kailangang maging seksuwal ang panghaharas, at maaaring kabilang dito ang mga nakakapanakit na komento tungkol sa kasarian ng tao, kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis ng tao. Halimbawa, ilegal na mangharas ng babae sa pamamagitan ng paggawa ng mga nakakapanakit na komento tungkol sa mga babae sa pangkalahatan.

Maaaring maging biktima o nanghaharas ang anumang kasarian, at maaaring pareho o magkaiba ang kasarian ng biktima at nanghaharas.

Bagaman hindi ipinagbabawal ng batas ang kaunting panunukso, mga hindi inaasahang komento, o mga natatanging pangyayaring hindi madalas o nakababahala, ilegal ang panghaharas kapag lumikha ang pagiging madalas o malala nito ng mapanganib o mapanakit na lugar ng trabaho o kapag nagresulta ito sa isang hindi magandang desisyon sa trabaho (tulad ng pagkasisante o pagka-demote ng biktima).

Maaaring ang nanghaharas ay ang supervisor ng biktima, isang supervisor sa ibang area, isang katrabaho, isang subordinate, o isang taong hindi empleyado ng employer, tulad ng kliyente o customer.

Diskriminasyon Batay sa Kasarian at Mga Polisiya/Kagawian sa Pagtatrabaho

Maaaring maging ilegal ang polisiya o kagawian sa trabaho na nalalapat sa lahat, anuman ang kasarian, kung ito ay may negatibong epekto sa pagtatrabaho ng mga taong may partikular na kasarian at hindi ito nauugnay sa trabaho o hindi ito kailangan sa operasyon ng negosyo.