Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Fact Sheet: Pandidiskrimina sa Pagbubuntis

Fact Sheet: Pandidiskrimina sa Pagbubuntis

Inamyendahan ang Batas sa Pandidiskrimina Batay sa Pagbubuntis (Pregnancy Discrimination Act o PDA) sa Pamagat VII ng Batas ng 1964 Ukol sa Mga Karapatang Sibil.  Ang pandidiskrimina batay sa pagbubuntis, panganganak, o mga kaugnay na medikal na kundisyon ang bumubuo sa labag sa batas na pandidiskrimina batay sa kasarian sa ilalim ng Pamagat VII.  Ang mga babaeng buntis o apektado ng mga katulad na kundisyon ay dapat tratuhin sa paraang gaya sa iba pang aplikante o empleyado na katulad nila sa kakayahan o kawalan ng kakayahang magtrabaho.

Mga Kundisyon sa Pag-hire at Pagtatrabaho

Hindi maaaring tumanggi ang isang employer sa pag-hire sa isang babae dahil sa kanyang kundisyong nauugnay sa pagbubuntis hangga't may kakayahan siyang isagawa ang mga pangunahing tungkulin ng kanyang trabaho.  Hindi maaaring tumangi ang employer na i-hire siya dahil sa mga pansariling opinyon nito laban sa mga buntis na manggagawa o dahil sa mga pansariling opinyon ng mga katrabaho, kliyente, o kostumer.  Ipinagbabawal din ng PDA ang pandidiskrimina batay sa pagbubuntis pagdating sa anupamang aspeto ng trabaho, kabilang ang mga suweldo, pagtatalaga ng trabaho, promosyon, layoff, pagsasanay, dagdag na benepisyo, pagtanggal sa trabaho, at anupamang tuntunin o kundisyon ng trabaho.

Pagbubuntis at Maternity Leave

Hindi maaaring ibukod ng employer ang mga kundisyong nauugnay sa pagbubuntis para sa mga pamamaraan sa medikal na clearance na hindi hinihiling sa mga empleyado na magkapareho sa kanilang kakayahan o kawalan ng kakayahang magtrabaho.  Halimbawa, kung hinihiling ng employer sa mga empleyado nito na magsumite ng pahayag ng doktor na kaugnay ng kawalan ng kakayahan nilang magtrabaho bago sila mabigyan ng leave o mabayaran ng mga benepisyo sa pagkakasakit, maaaring hilingin ng employer sa mga empleyadong apektado ng mga kundisyong nauugnay sa pagbubuntis na ganoon din ang gawin.

Dapat payagan ang mga buntis na empleyadong magtrabaho hangga't nagagawa nila ang kanilang mga trabaho.  Kung lumiban sa trabaho ang isang empleyado dahil sa isang kundisyong nauugnay sa pagbubuntis at gumaling na siya, hindi maaaring iatas ng kanyang employer na manatili siyang naka-leave hanggang sa maipanganak ang sanggol.  Hindi rin maaaring magkaroon ng panuntunan ang isang employer na nagbabawal sa isang empleyado sa pagbalik sa trabaho sa loob ng paunang natukoy na tagal ng panahon pagkatapos manganak.  

Sa ilalim ng PDA, ang isang employer na nagpapahintulot sa mga may pansamantalang kapansanang empleyado na gumamit ng disability leave o leave na walang bayad ay dapat magpahintulot sa isang empleyado na pansamantalang walang kakayahan dahil sa pagbubuntis na gawin ang katulad niyon. Dapat magbukas ang mga employer ng posisyon sa trabaho dahil sa pagliban na nauugnay sa pagbubuntis sa parehong tagal ng panahon na nagbubukas ng posisyon sa mga trabaho para sa mga empleyado na naka-sick leave o naka-temporary disability leave.

Bukod pa rito, sa ilalim ng Batas sa Family Leave at Medical Leave (Family and Medical Leave Act o FMLA) ng1993, na ipinatutupad ng Kagawaran ng Paggawa ng U.S., ang isang bagong magulang (kabilang ang mga foster at adoptive na mangulang) ay maaaring maging kwalipikado para sa 12 linggong leave (walang bayad, o may bayad kung nakakuha o nakaipon nito ang empleyado) na maaaring gamitin para sa pangangalaga ng bagong anak.  Upang maging kwalipikado, dapat ay nakapagtrabaho na ang empleyado para sa employer nang 12 buwan bago gumamit ng leave at dapat ay may partikular na bilang ng mga empleyado ang employer.  Para sa higit pang impormasyon, mangyaring basahin ang:  www.dol.gov/whd/regs/compliance/whdfs28.htm.

Pagbubuntis at Pansamantalang Kawalan ng Kakayahan

Kung pansamantalang hindi magawa ng isang empleyado ang kanyang trabaho dahil sa pagbubuntis, dapat siyang itrato ng employer sa parehong paraan na gaya ng sinupamang pansamantalang walang kakayahang empleyado; halimbawa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng magaan na trabaho, mga binagong gawain, mga alternatibong pagtatalaga, disability leave, o leave na walang bayad.

Dagdag pa rito, ang mga kapansanang magreresulta mula sa pagbubuntis (halimbawa, gestational diabetes) ay maaaring mga kapansanan na napapailalim sa Batas sa Mga Amerikanong may Mga Kapansanan (Americans with Disabilities Act o ADA).  Maaaring kailanganin ng employer na magbigay ng makatwirang suporta para sa isang kapansanan na nauugnay sa pagbubuntis, kung hindi ito magdudulot ng labis na paghihirap (lubhang mahirap o magastos).  Halimbawa, maaaring kailanganin ng employer na magbigay ng mga binagong tungkulin para sa isang empleyado na limitado sa pagbubuhat ng 20 libra dahil sa sciatica na nauugnay sa pagbubuntis, kung hindi ito magdudulot ng labis na paghihirap.  Ginagawang mas madali ng Batas ng 2008 Ukol sa Mga Pag-amyenda sa ADA na ipakitang sinasaklaw na kapansanan ang isang medikal na kundisyon.  Para sa higit pang impormasyon tungkol sa ADA, basahin ang https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-batay-sa-kapansanan.  Para sa impormasyon tungkol sa Batas sa Mga Pag-amyenda sa ADA, basahin ang https://www.eeoc.gov/regulations-related-disability-discrimination.

Insurance sa Kalusugan

Dapat saklawin ng anumang insurance sa kalusugan na ibinibigay ng employer ang mga gastusin para sa mga kundisyong nauugnay sa pagbubuntis sa parehong batayan na mga gastusin para sa iba pang medikal na kundisyon.  Gayunpaman, nakasaad sa PDA na hindi inaatas na saklawin ng insurance ang mga gastusing dulot ng pagpapalaglag ng sanggol, maliban na lang kung nasa panganib ang buhay ng ina o magkakaroon ng mga medikal na kumplikasyon dahil sa pagpapalaglag ng sanggol. 

Dapat i-reimburse ang mga gastusing nauugnay sa pagbubuntis sa paraang gaya sa mga natamong gastusin para sa iba pang medikal na kundisyon, may nakapirmi na halaga man o may porsyento ng makatuwiran at karaniwang singil na babayaran. Ang mga halagang babayaran ng provider ng insurance ay maaaring limitado lang sa mga parehong sukdulang gastusin para sa iba pang kundisyon.  Walang karagdagan o mas malaking naibabawas na maaaring ilapat.

Sa ilalim ng Pamagat VII, maaaring tanggihan ang pagbibigay ng mga benepisyo para sa mga medikal na gastusing mula sa kasalukuyang pagbubuntis kung hindi kasama sa plano ng insurance sa kalusugan ang mga benepisyong bayad para sa mga dati ng umiiral na kundisyon.  Gayunpaman, maaaring nalalapat ang iba pang batas sa pagsaklaw ng mga dati ng umiiral na kundisyon.

Dapat ibigay ng mga employer ang parehong antas ng mga benepisyo sa kalusugan para sa asawa ng mga lalaking empleyado gaya ng ginagawa nila para sa asawa ng mga babaeng empleyado.

Pantay na Access sa Mga Benepisyo

Kung nagbibigay ang isang employer ng anumang benepisyo sa mga manggagawang naka-medical leave, dapat ibigay ng employer ang mga parehong benepisyo para sa mga naka-medical leave dahil sa mga kundisyong nauugnay sa pagbubuntis.

Ang mga empleyadong may mga kapansanang nauugnay sa pagbubuntis ay dapat tratuhin nang gaya ng iba pang pansamantalang may kapansanang empleyado para sa akumulasyon at pag-credit ng seniority, pagkalkula ng bakasyon, pagdaragdag ng sahod, at mga benepisyo sa pansamantalang kapansanan.