Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Paghahain ng Reklamo ng Diskriminasyon

Paghahain ng Reklamo ng Diskriminasyon

Sa EEOC

Kung naniniwala kang nadiskrimina ka sa trabaho dahil sa iyong lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at oryentasyon ng seksuwalidad) pinagmulang bansa, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, o genetic na impormasyon, maaari kang maghain ng Reklamo ng Diskriminasyon. Ang reklamo ng diskriminasyon ay isang nilagdaang pahayag na nagsasaad na kasangkot ang isang employer, unyon, o organisasyon sa trabaho sa diskriminasyon sa trabaho. Hinihiling nito sa EEOC na gumawa ng remedyo.

Inaatasan ka ng lahat ng batas na ipinapatupad ng EEOC, maliban para sa Equal Pay Act, na maghain ng Reklamo ng Diskriminasyon sa amin bago mo magawang maghain ng demanda sa diskriminasyon sa trabaho laban sa iyong employer. Bilang karagdagan, maaaring maghain ng reklamo ang isang indibidwal, organisasyon, o ahensya sa ngalan ng ibang tao para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng taong nabiktima. May mahihigpit na limitasyon sa oras para sa paghahain ng reklamo. Inaatasan ng mga batas na ipinapatupad ng EEOC ang ahensya na abisuhan ang employer na may reklamong inihain laban dito.

Maaaring kumpletuhin ang isang Reklamo ng Diskriminasyon sa pamamagitan ng aming Pampublikong Portal ng EEOC pagkatapos mong magsumite ng online na tanong at pagkatapos ka naming makapanayam. Seryosong bagay ang paghahain ng pormal na reklamo ng diskriminasyon sa trabaho. Sa karanasan ng EEOC, ang pagkakaroon ng pagkakataong talakayin ang iyong mga alalahanin kasama ang isang miyembro ng kawani ng EEOC sa isang panayam ang pinakamahusay na paraan para masuri kung paano tugunan ang mga alalahanin mo tungkol sa diskriminasyon sa trabaho at tukuyin kung ang paghahain ng reklamo ng diskrimasyon ang angkop na pagkilos para sa iyo. Anuman ang mangyari, ikaw ang huling magpapasya kung maghahain ka ng reklamo.

Kung may 60 araw ka o mas mababa para maghain ng naaangkop na reklamo, magbibigay ang Pampublikong Portal ng EEOC ng mga espesyal na direksyon para sa mabilis na pagbibigay ng kinakailangang impormasyon sa EEOC at kung paano ihain ang iyong reklamo nang mabilis. O pumunta sa Hanapin ang Tanggapang Pinakamalapit sa Iyo at ilagay ang zip code mo para sa impormasyon ng pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng EEOC na pinakamalapit sa iyo.

Inaatasan ng mga batas na ipinapatupad ng EEOC ang ahensya na tanggapin ang mga reklamong nag-aakusa ng diskriminasyon sa trabaho.  Kung hindi nalalapat ang mga batas sa iyong mga claim, kung hindi inihain ang reklamo sa loob ng mga limitasyon sa oras ng mga batas, o kung mapagpapasyahan ng EEOC na limitahan ang imbestigasyon nito, idi-dismiss ng EEOC ang reklamo nang walang anumang karagdagang imbestigasyon at aabisuhan ka nito tungkol sa iyong mga legal na karapatan.

Sa Isang Pang-estado o Lokal na Ahensya

Maraming pang-estado at lokal na hurisdiksyon ang may sariling mga batas laban sa diskriminasyon, at ahensyang responsable para sa pagpapatupad ng mga batas na iyon (Mga Ahensya ng Mga Patas na Gawi sa Trabaho, o FEPAs). Kung maghahain ka ng reklamo sa isang FEPA, awtomatiko itong magiging "dalawang beses na inihain" sa EEOC kung nalalapat ang mga pederal na batas. Hindi mo kailangang maghain sa parehong ahensya.

Paalala: Ang mga pederal na empleyado at aplikante sa trabaho ay may magkaparehong mga proteksyon, ngunit may magkaibang proseso ng pagrereklamo.

Mga Empleyado at Aplikante ng Pederal na Pamahalaan

Magkaiba ang mga proseso para sa paghahain ng reklamo ng diskriminasyon laban sa isang pederal na ahensya ng pamahalaan at ang mga proseso para sa paghahain ng reklamo laban sa isang pribado o pampublikong employer. Para sa mga reklamo ng diskriminayon laban sa isang pederal na ahensya ng pamahalaan, iba ang mga proseso.  Pumunta sa Mga Pederal na Empleyado at Aplikante para sa isang paglalarawan ng mga prosesong iyon.  Magagawa ng mga pederal na empleyado at aplikante na humiling ng pagdinig o maghain ng apela sa EEOC sa pamamagitan ng Pampublikong Portal ng EEOC na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na:

  • Gumawa ng account
  • Humiling ng pagdinig
  • Maghain ng apela
  • Tumukoy ng kinatawan at ibigay ang kanyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan
  • Magsumite at tumanggap ng mga dokumentong sumusuporta sa kanyang kahilingan sa pagdinig o apela