Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Pagiging Kumpidensyal

Pagiging Kumpidensyal

Paalala: May magkaibang proseso ng pagrereklamo ang mga pederal na empleyado at aplikante sa trabaho.

Ang impormasyong nakuha mula sa mga indibidwal na nakipag-ugnayan sa EEOC ay kumpidensyal at hindi isisiwalat sa employer hanggang sa maghain ang indibidwal ng reklamo ng diskriminasyon. Kapag nakipag-ugnayan ang isang indibidwal sa EEOC, hihilingin sa kanyang ibigay ang impormasyon kung saan maaaring kasama ang:

1.     Pangalan, address, numero ng telepono, petsa ng kapanganakan ng indibidwal

2.     Social Security Number (opsyonal)

3.     Pangalan, address, at numero ng telepono ng employer

4.     Tinatantiyang bilang ng mga empleyado ng employer

5.     (Mga) petsa ng pinsala

6.     Paliwanag ng employer para sa mga pagkilos nito (kung mayroon)

7.     Kung bakit naniniwala ang indibidwal na nangdidiskrimina ang pagkilos na ginawa sa kanya

8.     Mga pangalan ng mga indibidwal na tinrato nang mas mabuti (kung naaangkop)

Gagamitin ang impormasyong ito para sa mga layunin ng pagpapanatili ng tala at para matukoy kung nasasaklawan ng EEOC ang sitwasyon. Sa pamamagitan ng batas, napapailalim ang mga empleyado ng EEOC sa mahihigpit na pangangailangan sa pagiging kumpidensyal.

Kapag naihain na ang isang reklamo, ibubunyag sa employer ang pangalan at pangunahing impormasyon ng indibidwal tungkol sa mga pag-aakusa ng diskriminasyon. Ayon sa batas, kinakailangan naming abisuhan ang employer tungkol sa reklamo sa loob ng 10 araw mula sa petsa ng paghahain. Sa panahon ng proseso ng imbestigasyon, maaaring magbahagi ang EEOC ng ilang partikular na impormasyon sa partidong nagrereklamo at sa respondent. Ayon sa batas, dapat ay panatilihing kumpidensyal ng EEOC ang impormasyon ng reklamo at hindi nito ibubunyag ang impormasyong nauugnay sa isang reklamo sa publiko.

Pananatiling Hindi Kilala

Kapag naghain ka ng reklamo, dapat mong ibigay ang iyong pangalan. Makita dapat ang iyong pangalan sa reklamo, at dapat mo itong lagdaan. Iniaatas sa amin ng batas na ibigay ang iyong reklamo sa employer para masagot ng employer ang mga claim na ginawa sa reklamo mo. Kung gusto mong manatiling hindi kilala, tatanggapin namin ang reklamong inihain sa ngalan ng ibang taong nabiktima ng diskriminasyon. Maaaring ihain ang reklamo ng isang tao o organisasyon. Sa mga ganoong sitwasyon, karaniwang hindi namin ipinapaalam sa employer kung sa ngalan nino inihain ang reklamo, ngunit ipinapaalam namin sa employer ang pangalan ng tao o organisasyong naghain sa reklamo.

Sa katunayan, gayunpaman, maaaring maging mahirap na itago ang pagkakakilanlan ng taong naniniwalang biktima siya ng diskriminasyon sa panahon ng imbestigasyon, kahit na hindi kailanman isisiwalat ang pangalan, dahil sa mga sitwasyon ng reklamo.

Maaari ding gustuhin ng isang magulang na maghain ng reklamo "sa ngalan ng" isang menor de edad na anak o anak na may problema sa pag-iisip.

Pagganti ng Isang Employer

Hindi ka maaaring sisantehin, i-demote, harasin, o kung hindi man ay "gantihan" ng iyong employer para sa paghahain ng reklamo. Sa pamamagitan ng lahat ng batas na ipinapatupad namin, nagiging ilegal para sa isang employer na gantihan ang isang taong naghahain ng reklamo o isang taong nakikibahagi sa isang imbestigasyon o demanda ng EEOC.

Kung sa tingin mo ay ginantihan ka, dapat kang makipag-ugayan kaagad sa imbestigador na sumusuri sa iyong reklamo. Kakausapin ka ng imbestigador tungkol sa sitwasyon at magdaragdag siya ng claim ng pagganti sa iyong reklamo kung naaangkop. Kung may idinagdag na claim ng pagganti sa iyong reklamo, ipapaalam namin ito sa employer at pagkatapos ay iimbestigahan namin ang claim ng pagganti kasama ang iba pang claim sa reklamo mo. Tandaang nalalapat din ang mahihigpit na deadline para sa paghahain ng reklamo kapag gusto mong magdagdag sa isang reklamo. Dahil mayroon kang inihaing mas naunang reklamo, hindi mo maaaring patagalin ang deadline. Sa dahilang ito, dapat kang makipag-ugnayan sa amin sa lalong madaling panahon.