Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Paano Ninyo Binibilang ang Dami ng mga Empleyadong Mayroon ang Isang Employer?

Paano Ninyo Binibilang ang Dami ng mga Empleyadong Mayroon ang Isang Employer?

Coverage

Karaniwan, ang isang manggagawa ay itinuturing na isang "empleyado" kung siya ay nagtrabaho sa employer nang kahit dalawampung linggo sa kalendaryo (sa taong kasalukuyan o nakaraan). Ibig sabihin, ang ilang part-time na manggagawa ay puwedeng maging saklaw bilang mga empleyado para ipakitang saklaw ang employer ng mga batas na ipinapatupad namin. Hindi saklaw ang mga taong hindi employed ng employer, gaya ng mga independent contractor.

Coverage para sa mga Employer na may Iba't Ibang Worksite

Sa ilang pagkakataon, kung ang employer ay mayroong mahigit sa isang worksite, ang mga empleyado sa mga worksite ay puwedeng bilangin nang sama-sama. Halimbawa, kung ang isang employer ay may apat na magkakaibang restaurant, posibleng bilangin ang mga empleyado sa lahat ng restaurant nang sama-sama.

Pagpasya kung Sino ang Saklaw

Puwedeng maging kumplikado ang pagpasya kung may sapat na mga empleyado ang isang employer para masaklaw ng mga batas na ipinapatupad namin. Kung hindi ka sigurado sa bilang ng mga empleyado, dapat kang makipag-ugnayan sa isa sa mga field office namin sa lalong madaling panahon para magawa namin ang desisyong iyon. Gayundin, tandaan na, kahit na hindi sapat ang dami ng mga empleyado ng isang employer para maging saklaw ng mga batas na ipinapatupad namin, maaaring saklaw pa rin ito ng isang pang-estado o lokal na batas. Kung oo, puwede ka naming i-refer sa pang-estado o lokal na ahensyang responsable sa pagpapatupad ng batas na iyon.